Sinupalpal ni Senador Raffy Tulfo ang Bureau of Immigration (BI) dahil sa kabiguang magsampa ng kaso kahit sa isang empleyado man lang ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Civil Registrar Office na kasabwat ng mga dayuhang namemeke ng dokumento gaya ng pasaporte at birth certificate.
Iginiit ni Tulfo na bukod sa mga miyembro ng pamilya ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, sandamakmak pa rin ang nahaharang na banyaga partikular na ang mga illegal Chinese immigrant dahil sa talamak na paggamit ng mga ito ng pekeng dokumento.
Gayundin, ipinunto ni Tulfo na sa mga nakaraang pagdinig ng Senado ay lubos na napatunayang nameke ng mga dokumento sina Alice, Sheila at Wesley Guo para magkunwaring mga Pilipino sila.
Nangangamba tuloy ang senador na baka hindi lang nag-iisa si Alice Guo o Guo Hua Ping na humahawak ng sensitibong puwesto sa pamahalaan.
Kaugnay nito, inatasan ni Tulfo ang BI na ipagpatuloy ang paghuli at kasuhan ang mga tauhan ng gobyerno na kasabwat ng mga banyaga sa paggamit ng mga pekeng dokumento.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment