Inanunsiyo ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na pumayag ang Department of Health (DOH) na isama ang professional fee ng mga doktor sa nababayaran ng guarantee letter sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) Program.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Romualdez na nakipagpulong ito kay Health Secretary Ted Herboso kasama ng ilang lider ng Kamara de Representantes gaya ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co at DOH upang pag-usapan ang guarantee letter ng MAIFIP na ginagamit upang matulungan ang mga mahihirap na pasyente.
"I know how crucial this inclusion is for many of our fellow Filipinos who are struggling with the cost of healthcare," sabi ni Romualdez.
"And good news po sa ating mga kababayan, we have successfully secured a commitment from the DOH to cover the professional fees of doctors under MAIFIP. Wala nang dapat ipangamba ang mga pasyente pagdating sa karagdagang gastos sa professional fees," dagdag pa nito.
Ayon kay Romualdez na malinaw ang nais mangyari ng Kamara: "Healthcare should be accessible and affordable for everyone, regardless of their financial situation."
"Hindi dapat maging hadlang ang kakulangan sa pera para makakuha ng tamang lunas at serbisyong medikal," sabi ng lider ng Kamara.
"With this change, we are one step closer to ensuring that healthcare is truly free from start to finish. Patuloy po tayong magtutulungan para sa mas magandang kinabukasan para sa bawat Pilipino," dagdag pa ni Romualdez.
IKE ENRIQUE - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment