Handa nang sumuko sa mga awtoridad ang kapatid na napatalsik ng Bamban, Mayor Alice Guo na si Wesley Guo na idinadawit din sa iligal na operasyon ng POGO.
Ayon kay Atty. Stephen David, legal counsel ni Alice at Shiela, nakausap niya noong Miyerkoles si Wesley at nagpahayag ng intensyong sumuko sa mga awtoridad,.
Hindi naman alam ni David kung ang eksaktong kinaroonan ni Wesley na napabalitang nagtatago sa Hong Kong. "Hindi ko alam [location]," sabi ni David sa panayam ng mga reporter.
Kasama si Wesley Guo sa inisyuhan ng arrest order ng Senado matapos maipa-contempt dahil sa hindi pagdalo sa imbestigasyon kahit makailang beses itong inimbitahan. Kasama ni Wesley nina Alice Guo, Shiela Guo at Cassandra Li Ong na tumakas sa Pilipinas.
Sabi ni David, nakikipag-usap na siya sa mga awtoridad para sa inaasahang pagsuko ni Wesley subalit ayaw niyang magbigay ng detalye hinggil dito.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment