Nasugatan ang sampung pulis na kasama ng sheriff ng DHSUD na nagpatupad ng kautusan ng Supreme Court na kumikilala sa kampo ni Arnel Gagutan na bilang pangulo ng Multinational Village Home Owners Association sa lungsod ng Paranaque.
Na deny ng Court of Appeals ang temporary restraining order na inihain ng kampo ni Julio Templonuevo kung kayat ipinatupad kaninang alas 7:00 ng umaga ang break open dahil pumalag at nagkaroon ng tension ang dapat sanang turn over.
Naging marahas ang kampo ni Templonuevo kung saan pumalag sila sa grupo ng mga pulis na dapat sanang papagitna na kung saan sampu ang nasugatan matapos na pagbabasagin ang mga bintana at pinto ng club house.
Naaresto naman ang dalawang suspect na ayon Kay Paranaque City Chief of Police Col. Melvin Montante sampu ang nasugatan sa kanyang mga tauhan na mahaharap naman sa patong patong na kaso ang dalawang suspect.
Kinumpirma naman ni Southern Police District Director P/ Brig. Gen. Leon Victor Rosete na mahigit sa 300 ang mga pulis na itinalaga sa lugar upang maiwasan ang kaguluhan.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment