Hindi na kailangan ng decree ang mga diborsyong ginawa sa ibang bansa upang kilalanin sa Pilipinas, inanunsyo ng Korte Suprema nitong Biyernes, Setyembre 20.
Sa pahayag, sinabi ng SC na kikilalanin ng mga korte sa bansa ang mga diborsyong isinagawa ibang bansa kung ito man ay ginawa sa pamamagitan ng administrative o legal process o ng mutual agreement.
"The Court held that the type of divorce, whether administrative or judicial, did not matter. As long as the divorce is valid under the foreign spouse's national law, it will be recognized in the Philippines for the Filipino spouse," sinabi ng SC Public Information Office.
Ang ruling ng SC ay isinagawa matapos pagdesisyunan ang kaso ng isang Pinay na nagpakasal sa isang Japanese citizen sa Quezon City noong 2004.
Kalaunan ay lumipat ang mag-asawa sa Japan, kung saan sila kumuha ng "divorce decree by mutual agreement."
Ayon sa SC, kalaunan ay naghain ng petisyon ang Pinay para sa judicial recognition ng foreign divorce at para sa deklarasyon ng kapasidad niyang muling makapagpakasal sa regional trial court (RTC).
Pinayagan ng RTC ang petisyon, ngunit sinubok ng
Office of the Solicitor General (OSG) ang ruling.
Iginiit ng OSG na tanging ang foreign divorce decrees na inisyu ng korte ang kikilalanin sa Pilipinas.
Para naman sa SC, tinukoy nito ang Family Code na nagsasabing patungkol sa mga Filipino na nagpakasal sa foreigner na nagnanais ng judicial recognition ng kanilang divorce.
Ayon sa Filipina, kinikilala ng batas ng Japan ang divorce by agreement o judicial action.
Dahil dito, ibinalik ng SC ang kaso sa RTC para payagan ang Filipina na makakuha ng mga ebidensya Kahit bigo siyang makapagpasa ng authenticated copy ng kaukulang batas sa Japan patungkol sa diborsyo.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment