Ang ama ni AJ Raval na si Jeric Raval ay kilalang babaero noong kanyang kabataan. Gwapo naman kasi si Jeric,kaya naging lapitin siya ng mga babae noon.
Sa guesting ng mag-amang Jeric at AJ sa YouTube channel ni Julius Babao, napag-usapan ang tungkol dito, at kasunod nito ay tinanong ni Julius si AJ, "Paano kung gagawin din ni Aljur ang ginawa ni Jeric?"
Tila nabigla si AJ sa tanong ni Julius at ipinasa niya ito sa kanyang ama.
Ako kasi, ang tinitingnan ko sa lalaki para sa magiging anak ko ay pagiging responsable kasi maraming lalake ang naging babaero na inabandona na 'yung pamilya eh. Meron naman akong mga kakilala na babaero rin, pero napakabait," sey ni Jeric.
Muli namang ibinaling ni Julius kay AJ 'yung tanong, at ito ang naging sagot sa kanya ng aktres,"Siguro kung dumating sa point na ganun, siguro sisisihin ko 'yung sarili ko. Siyempre, kung saan ako nagkulang, kung naging maayos ba akong partner, naging nagger ba ako, nasuportahan ko ba siya 'nung time na down siya."
Patuloy niya, "Pero ngayon, confident ako na hindi niya gagawin sakin 'yun kasi maganda 'yung dynamic namin ngayon eh.
"And of course galing na siya sa pagkakamali at sinasabi niya na natuto na siya."
MARU BOK - SHOWBIZ NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment