Kinondena ni House Committee on Justice vice chairperson at Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores ang ibinigay umanong "special treatment" ng awtoridad kay Alice Guo, na iniuugnay sa iligal na operasyon ng POGO.
"Nagulat tayo sa kakaibang trato ng DILG, PNP, at NBI kay Guo Hua Ping mula noong kunin siya sa Indonesia hanggang sa makarating dito sa Pilipinas," sabi ni Flores sa isang pahayag.
"Special treatment ang nangyari. Mula sa Jakarta hanggang sa NAIA. Panay selfie at pa-picture sila kay wanted at suspek Guo Hua Ping," dagdag pa nito.
Sinabi ni Flores na nakalimutan ng mga otoridad kung ano dapat nilang iasal.
"Trinatro nilang parang artista. Trinato nilang celebrity. Nagpaka-fanboys and fangirls sila doon imbes na alagad ng batas ng Pilipinas. Hindi ba sila nahiya sa kanilang asal?" sabi ng solon.
"Hinayaan si Guo Hua Ping na tumayong nakatalikod habang ipriniprisenta sa NAIA. Tila ginamit siyang pang-socmed posts o campaign posters. Hinayaang magsuot ng face mask. Tinakpan pati ng puting sweater o jacket ang posas. May bitbit pang Starbucks bag," dagdag pa nito.
Sinabi ni Flores na dapat magpaliwanag ang mga opisyal ng gobyerno sa kanilang naging asal "that does not align with how a fugitive and someone being pursued by law enforcement should be treated."
"Nakangiti pa silang lahat nang magpalitrato," dagdag pa ni Flores. "Nakalimot sila sa dapat nilang naging asta."
ATTY. EDNA B. DEL MORAL
No comments:
Post a Comment