Inanunsyo nitong Martes ni Davao Region Police Chief, Brigadier General Nicolas Torre III, na malapit nang matapos ang paghahanap kay Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kapwa nito akusado.
Ayon kay Torre, paliit nang paliit ang ginagalawan ng nagtatagong pastor dahil nalibot na nila ang ibang bahagi ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound.
Nabatid na umaabot sa 30 ektarya ang lugar, kaya hindi madaling mahanap ang sinumang nagtatago at masilbihan ng warrant of arrest.
Isa pa sa nagpabagal ng paghahanap ang hindi lubos na kooperasyon ng mga miyembro ng samahan sa mga unang araw ng kanilang pagtungo sa lugar.
Gayunman, hindi pa masabi ni Torre kung kailan matatapos ang kanilang paggalugad sa lugar na pinaniniwalaang pinagtataguan ni Quiboloy.
Sa panig naman ng KOJC, nanindigan si Atty. Israelito Torreon na wala sa kanilang compound ang pastor.
Maging si Vice President Sara Duterte ay nagsabing ma-labo ang presenysa ng KOJC leader sa loob ng compound.
ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment