Masusunod ang lahat ng prosesong legal para harapin at panagutan ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo ang anumang kasong kinasasangkutan nito.
Ito ang paninuguro ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla matapos maaresto ni Guo sa Jakarta, Indonesia.
Nahuli ng mga awtoridad ng Indonesia si Guo alas-11:58 kagabi, oras sa Indonesia.
Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Indonesian Police.
Ayon pa kay Remulla, ang pagkakahuli kay Guo ay isang patunay na pagsisikap ng mga awtoridad at lakas ng pakipagtutulungan sa international law enforcement agencies para makamit ang hustisya.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga awtoridad ng Indonesia para sa kinakailangang proseso para maibalik na sa Pilipinas Si Guo.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment