Nagbabala si Senador Risa Hontiveros sa posibleng "rebranding" ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) kasunod ng pagsalakay sa isang scam hub sa Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.
Ayon kay Hontiveros, sa kabila ng pagbawal ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa POGO, tuloy-tuloy pa rin aniya ang underground operation nito.
Kinalampag ng senador ang mga awtoridad para ipatupad ng mahigpit ang kautusan ng Pangulo.
"I am calling on our law enforcement agencies to step up para ipatupad ang total ban ni Presidente. Dapat hindi na maulit pa ang mga ganitong modus, kabilang na ang pagsulpot ng iba't ibang 'rebranding' ng POGO," sabi ni Hontiveros.
"Andyan ang mga balitang magiging call center daw ang mga POGO, o itatago sila sa special economic zone, at iba pang mga hokus pokus na hindi dapat pahintulutan," dagdag niya.
Samantala, iginiit ni Hontiveros na dapat ipatupad na ang Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) kung saan itinuturing na economic sabotage ang mga aktibidad na gaya ng mga ilegal na POGO.
ATTY. EDNA DEL MORAL
No comments:
Post a Comment