Pinagpapaliwanag ng Department of Justice (DOJ) ang mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa kumalat na larawan ng mga ito kasama si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ayon kay DOJ spokesperson… | By Headlines Ngayon on September 7, 2024 | Pinagpapaliwanag ng Department of Justice (DOJ) ang mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa kumalat na larawan ng mga ito kasama si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, bagama't naging matagumpay ang pagpapabalik-bansa kay Guo mula sa Indonesia, nakadidismaya aniya na tila nabigyang focus pa ang selfie na ito kumpara sa malaking hakbang na pag-aresto sa dating alkalde. Binigyang papuri naman ni Clavano ang mga awtoridad sa matagumpay na pagbabalik Pilipinas ni Guo na aniya'y mahalagang hakbang tungo sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa mga illegal na aktibidad ng mga POGO hubs. Nagpaalala naman si Clavano sa mga opisyal ng gobyerno na hindi pa tapos ang trabaho dahil bagama't nahuli na ang dating alkalde, hindi pa rin natatapos ang imbestigasyon sa mga kasong nag-uugnay kay Guo. ARVIN SORIANO (Ll.B) - NEWS CONTRIBUTOR | | | | | You can also reply to this email to leave a comment. | | | | |
No comments:
Post a Comment