Duda si Senadora Risa Hontiveros na pinahina ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kaso laban sa dating Bamban, Tarlac mayor at pinaghihinalaang human trafficker na si Alice Guo para makuha ang kanyang kustodiya.
"Sandiganbayan ang dapat may hawak sa graft and corruption charges laban sa high-ranking officials gaya ni Mayor Guo. Did the DILG file a deliberately watered-down case to wrest custody of the fugitive? Bakit?" tanong ni Hontiveros.
"Napaka-iregular ng mga nangyari. We will get to the bottom of who is orchestrating all this circus and wild goose chase," saad pa niya sa isang statement.
Nitong Biyernes, lumiham si Hontiveros sa Tarlac Regional Trial Court at Custodial Center ng PNP para padaluhin si Guo sa susunod na pagdinig ng Senado sa Lunes.
"Sa totoo lang, dapat naiturn-over na siya sa Senado pagkatapos maproseso ng NBI o PNP. Iyan ang pinag-usapan at iyan ang tamang proseso dahil sa Senado galing ang orihinal na arrest warrant laban kay Alice Guo," ayon kay Hontiveros.
Umaasa ang senadora na pagbibigyan ng korte ang kanilang kahilingan.
"Iginagalang natin ang husgado at inaasahan ko na pagbibigyan ng korte ang Senado sa aming mandato sa pagtuklas sa katotohanan sa lahat ng kontrobersya tungkol sa POGO, kay Alice Guo at sa mga tumulong sa kanya," sabi pa ng senadora.
ANGHEL MIDRERO - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment