Hindi pa raw nakakatanggap ng official request mula sa Indonesian government ang Department of Justice (DOJ) tungkol sa napapaulat na palit-ulo kay Australian drug lord Gregor Haas para sa pagpapauwi kay Alice Guo.
Sa isang panayam sa mamamahayag, sinabi ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano na wala pa silang natatanggap na request mula sa mga awtoridad sa Indonesia.
"Wala pa po kaming natatanggap na official request galing sa kanila (Indonesia)," ani Clavano.
Inamin rin niya na nakita lamang nila ang mga ulat ng palit-ulo.
"Nakita lang main ang mga news reports sa Indonesian media regarding that pero wala pa po kaming nakukuha o narereceive na request," aniya.
"Ang proseso po kasi diyan ay dadaan po talaga diyan ang official communication especially authorities abroad sa Department of Foreign Affairs (DFA)," dagdag pa ng undersecretary.
Sinabi pa niya na sa DFA lang sila makikinig.
Matatandaan na nahuli ang napatalsik na Bamban, Tarlac Mayor sa Jakarta, Indonesia.
Pumutok naman ang balitang nais ng mga awtoridad ng Indonesia na ipalit-ulo si Guo sa kanilang most wanted drug trafficker na si Haas.
CALOY CARLOS - NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment