Sa tingin ni dating senador Antonio Trillanes IV, aalis sa bansa si dating pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling lumabas na ang warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC).
"Palagay ko itong si Duterte baka lumipad ng ibang bansa yan kasi hindi puwedeng gayahin niyan si Quiboloy dahil may entourage yan malo-locate kaagad yan, may magtitimbre dyan," ayon sa dating senador sa panayam sa Politiko.
Kamakailan lang ay ibinunyag ni Trillanes na inaasahang maglalabas ng warrant of arrest ang ICC laban sa dating pangulo sa kalagitnaan ng taon.
Sinabi ni Trillanes sa One News, na nakikipag-ugnayan na siya sa mga kinatawan ng ICC mula noong kanilang preliminary examination, pagsasagawa ng imbestigasyon at hanggang sa pagbasura sa apela ni Duterte.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment